Ang Tunay na Sampung Utos (Akda ni Apolinario Mabini)Version en ligne Pagsunod-sunurin ang mga utos batay sa akda ni Apolinario Mabini na "Ang Tunay na Sampung Utos" par Jhelette Escombien 1 Ang Tunay na Sampung Utos (Akda ni Apolinario Mabini) Ibigin mo ang iyong Inang bayan ikalawa sa Dios at sa iyong puri at higit sa iyong sarili, sa pagka’t siya ang nakaisa-isang Paraisong pinaglagyan sa iyo ng Diyos sa buhay na ito Pagpilitan mo ang kalayaan ng iyong bayan bago ang iyong sarili Sambahin mo ang Dios sa kaparaang lalong minamarapat ng iyong bait at kalooban o konsyensya Huwag mong kilalanin sa loob ng iyong bayan ang kapangyarihan ng sino mang tao na hindi inilagay ninyong magkakababayan Pagpilitan mo ang kasarinlan ng iyong bayan, sa pagka’t ikaw lamang ang tunay na makapagmamasakit sa kanyang ikasusulong at ikatatanghal Palalaluin nang kaunti sa loob mo ang iyong kababayan sa iyong kapwa tao Ibigin mo ang kapwa mo tao kaparis ng pag-ibig mo sa iyong sarili Ihanap mong pilit ang iyong bayan ng Republica, yaon baga ang lahat na namamahala ay palagay ng bayan Dagdagan mong pilit ang talos ng isip at katutubong alam na ipinagkaloob ng Diyos sa iyo sa pamamagitan ng pag-aaral, at magsumakit ka ng ubos lakas sa gawang kinahihiligan ng iyong loob Ibigin mo ang Diyos at ang iyong puri ng lalo sa lahat ng bagay