GlobalisasyonVersion en ligne Kasabay ng pagbabago ng ating kalaligiran ay ang patuloy ring pagbabago sa takbo ng ating lipunan. Ating suriin ang dahilan, dimensyon at epekto ng globalisasyon. par Maryjoy Gadingan 1 1. Ito ay tumutukoy sa pangmalakasang integrasyon o pagsasanib ng iba't ibang prosesong pandaigdig? a A. Globalisasyon b B. Migrasyon c C. Urbanisasyon d D. Transisyon 2 2. Anong pangyayari ang lubos na nagpapabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan? a A. Ekonomiya b B. Globalisasyon c C. Migrasyon d D. Paggawa 3 3. Ang sumusunod ay manipestasyon ng globalisasyon sa anyong teknolohikal at sosyokultural maliban sa isa. Alin dito? a A. Paggamit ng mobile phones b B. E-commerce c C. Pagsunod sa KPop culture d D. Pagpapatayo ng JICA building 4 4. Maaaring surrin ang globalisasyon sa iba't ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito? a A. Ekonomikal b B. Sosyo-kultural c C. Teknolohikal d D. Sikolohikal 5 5. Ang mga bansang miyembro ng ASEAN ay nabigyan ng pagkakataong mapabilis ang pag-angat ng kanilang ekonomiya. Pinapaigting ang koordinasyon ng bawat bansang kaanib upang higit na maayos ang __________. a A. edukasyon, pamumuhunan at isports b B. pamumuhunan, pagpapayaman at pagtutulungang politikal c C. pamumuhunan, pagkakaibigan at pananampalataya d D. pamumuhunan, kalakalan at pananampalataya 6 6. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon ipinatupad nila ang mga mura at kakayahang umangkop sa paggawa sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nito sa banda. a A. Maipantay ang suweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa. b B. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino. c C. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon sa iba't ibang krisis. d D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang kalakalan. 7 7. Isang paraan ng mga kapitalista upang palakihin ang kanilang kita ay sa pamamagitan ng mura at flexible labar. Paano nila isinasagawa ang paraang ito? a A. mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa. b B. mataas na pagaoasahod at paglimita sa panahon ng paggawa. c C. mababang pagpapasahod pero may ekstensiyon ang paggawa. 8 8. Bakit maituturing na isyung panlipunan ang globalisasyon? a A. Patuloy nitong binabago ang kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan. b B. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at politikal na aspekto. c C. Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinapaunlad ang mga malalaking industriya. d D. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga "perrenial" na institusyon na matagal nang naitatag. 9 14. Ano ang pinaka-angkop na paglalahad sa integrasyon ng mga bansa dahil sa globalisasyon? a A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa. b B. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig. c C. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng pinsala. d D. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon 10 10. Isa sa perspektibi o pananaw sa globalisasyon ay ang paniniwalang ito ay taal o nakaugat na sa bawat isa. Ano ang totoo sa pananaw na ito? a A. Ang pananaig ng kapitalismo bilang isang sistemang pang-ekonomiya b B. May tiyak na pinagmulan ang globalisasyon at ito ay makikita sa pag-unlad ng tao. c C. Ang paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa kanyang makipagkalakalan. d D. Maraming "globalisasyon" na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyan ay makabago na.