Froggy Jumps Filipino 7 - PagsasanayVersion en ligne Ang pagsasanay na ito ay pagpapalalim ng pag-unawa sa mga tinalakay par Wimerly Licaylicay 1 Ano ang pangunahing pagkakaiba ng awit at korido? a Ang awit ay may 8 pantig sa bawat taludtod, samantalang ang korido ay may 12 pantig. b Ang awit ay may 12 pantig sa bawat taludtod, samantalang ang korido ay may 8 pantig. c Ang awit ay tungkol sa alamat, samantalang ang korido ay tungkol sa kasaysayan. 2 Ano ang layunin ng awit at korido? a Magbigay ng impormasyon b Magkwento ng kasaysayan c Magbigay-aliw at aral 3 Aling akda ang isang halimbawa ng awit? a Florante at Laura b Doce Pares ng Francia c Urbana at Felisa 4 Ano ang paksa ng korido? a Araw-araw na pamumuhay b Politika at relihiyon c Pakikipagsapalaran at kabayanihan 5 Alin sa sumusunod ang isang halimbawa ng korido? a Noli Me Tangere b Ibong Adarna c Florante at Laura 6 Sino ang pangunahing tauhan sa "Doce Pares ng Francia"? a Don Juan b Carlo Magno c Prinsipe Florante 7 Ilan pantig binubuo ang Doce Pares ng Francia? a 10 b 12 c 8 8 Ano ang pangunahing tema ng akdang Doce Pares? a Pagsakop ng Espanya sa Pilipinas b Katutubong kaugalian sa Asya c Pakikipagsapalaran ng mga mandirigma 9 Sino ang pangunahing kalaban ng Doce Pares? a Ang mga Muslim b Ang mga Kastila c Ang mga Pilipino 10 Ano ang layunin ng Doce Pares sa kanilang pakikipaglaban? a Mapalawak ang Kristiyanismo b Maging hari ng España c Mapabagsak ang gobyerno 11 Ano ang pangunahing layunin ng isang editoryal? a Magbigay libangan b Magsulat ng kathang-isip c Manghikayat, magbigay-paliwanag, o magbigay-opinyon sa isang isyu 12 Ano ang tawag sa bahagi ng editoryal na nagpapaliwanag ng paksang tinalakay? a Panimula b Katawan c Wakas 13 Alin sa mga sumusunod ang hindi bahagi ng editoryal? a Panimula b Katawan c Talambuhay 14 Ano ang tono ng isang editoryal? a Pormal b Balbal c Walang emosyon 15 Alin sumusunod ang nasa karaniwang ayos? a Si Jose Rizal ay bayani. b Bayani si Jose Rizal. c Ang bayani ay si Jose Rizal. 16 Ano ang ginagamit sa di-karaniwang ayos? a Pang-uri b Pangatnig c Panandang "ay" 17 Aling pangungusap ang nasa di-karaniwang ayos? a Maganda ang tanawin sa bundok. b Ang tanawin sa bundok ay maganda. c Lumakad si Juan papunta sa paaralan. 18 Ano ang tawag sa pangungusap kung nauuna ang simuno? a Karaniwang ayos b Di-karaniwang ayos c Tambalang pangungusap 19 Ano ang pangunahin at pinakamahalagang bahagi ng pangungusap? a Pandiwa at Panghalip b Pang-uri at Pandiwa c Simuno at Panaguri 20 Ano ang pangunahing layunin ng isang saynete? a Magbigay ng mahahalagang aral sa buhay b Magpatawa sa pamamagitan ng pagpapakita ng kaugalian ng isang lipunan c Magsalaysay ng kasaysayan ng bayan 21 Alin sa sumusunod ang halimbawa ng pang-uring pamilang? a Malakas b Maganda c Sampu 22 Ano ang pangunahing tema ng "La India Elegante y El Negrito"? a Pagtataksil sa pag-ibig b Pagtutunggali ng mga uri ng lipunan c Pagsakop ng mga dayuhan sa Pilipinas 23 Ano ang ibig sabihin ng pamagat na "La India Elegante y El Negrito"? a Ang Marikit na Dalagang Pilipina at ang Mestisong Kastila b Ang Marikit na Dalagang Indiya at ang Negrito c Ang Magandang Reyna at ang Prinsipe 24 Alin sa mga sumusunod ang pang-uring panlarawan? a Tatlong saging b Matangkad na lalaki c Ikalawang baitang 25 Alin sa mga sumusunod ang pang-uring pantangi? a Matamis na mangga b Labindalawang rosas c Tagalog na wika