Karapatan ng mga BataVersion en ligne A quiz for GMRC 4 par Francis Leonille Catulay 1 Hindi ka dapat mahiwalay sa iyong magulang maliban na lang kung para ito sa iyong kabutihan — halimbawa, kapag pinapabayaan o minamaltrato ka ng iyong magulang. Kung magkahiwalay ang iyong mga magulang, may karapatan kang makipag-ugnayan sa parehong magulang, maliban na lamang kung makasasama ito sa iyo. a Article 9 b Article 10 c Article 20 d Article 5 2 Dapat ipaalam ng gobyerno ang Kasunduang ito sa lahat ng mga magulang at bata. Karapatan mong malaman ang iyong mga karapatan. Dapat ring malaman ng mga nakatatanda ang mga karapatan mo bilang bata. a Article 42 b Article 41 c Article 40 d Article 43 3 Dapat gawin ng gobyerno ang lahat ng kaniyang makakaya at gamitin niya ang kaniyang pondo para masigurong nakakamit mo ang mga karapatang ito. a Article 4 b Article 8 c Article 7 d Article 5 4 May karapatan kang makipagkita sa iba pang kabataan at lumahok sa mga samahan, hangga’t hindi ka nakatatapak ng karapatan ng ibang tao. a Article 15 b Article 10 c Article 20 d Article 5 5 May karapatan ka sa isang edukasyon na nagsisikap paunlarin nang lubos ang iyong personalidad at abilidad, hinihikayat kang igalang ang karapatan at pahalagahan ang ibang tao, at igalang ang kapaligiran. a Article 29 b Article 30 c Article 28 d Article 31 6 May karapatang kang pag-aralan at gamitin ang wika at kaugalian ng iyong pamilya katulad man ito o hindi sa wika ng karamihan ng mga tao sa bansang iyong tinitirahan. a Article 30 b Article 29 c Article 28 d Article 27 7 Walang sinumang maaaring dumukot o magbenta sa iyo. a Article 35 b Article 36 c Article 34 d Article 33 8 May karapatan kang maproteksyunan laban sa kidnapping at pagpupuslit sa iyo sa labas ng bansa. a Article 11 b Article 14 c Article 8 d Article 17 9 May karapatan kang maproteksyunan laban sa trabahong mapanganib o maaaring makapinsala sa iyong kalusugan o edukasyon. a Article 32 b Article 30 c Article 29 d Article 33 10 Kung ikaw ay mahirap, karapatan mong matulungan ng gobyerno sa iyong mga pangunahing pangangailangan. a Article 26 b Article 40 c Article 9 d Article 24